My Blog List

Saturday 29 June 2013

Here comes the RAIN



Whenever I'm walking in the rain.. I always remember my childhood days.. When there's rain we can easily call our friends, jump and run outside. Which is a cool thing about being a kid. Minsan pa mag-uunahan sa gutter ng bubong, then tuksuhan na may p***f ng pusa yan.! Then me and my friends will run away.. haha!

There are also scenarios wherein, my nanay will not let us (me and my siblings) go outside when it rains. So, we'll get a paper and create a paper boat, then we'll have a race. Ansaya lang to remember those things..
Now when it rains, I always react like, and there comes the rain. Hindi naman muna ko hinayaang makarating sa ofis before umulan..Or, kelan kaya matutuyo ang sinampay ko? It then became a little problem to me sometimes.. hehe

But most of the times, since I started college 'til now. I love it when its raining. I feel like it was a blessing for me. Especially when I feel like I'm alone, its like God send it so I will feel the coldness and look for something that will make me feel warm.. My blanket, a cup of coffee or noodles. Then, I will realize, I then forgot I felt alone earlier, coz that made myself busy somehow.

But if I have work, and I still have time.. I normally stare at the rain for like 5-10mins. Kahit saan lang abutan basta magkaron ng chance, I dunno, I'm so used to do it alone..Parang ang sarap lang ng feeling..
Earlier, at guadalupe station, right after i drop off the train.. I stop for awhile.. anlakas ng ulan, I was thinking.. Galit kaya si God? Was there a lot of sinners today? and then suddenly, naisip ko.. Baka hindi, coz when it rains, there was a lot of kids happy doing their paper boat para paanurin sa agos ng tubig ulan.

Just like tears, sometimes we cry because of too much pain. But, sometimes we also cry because of too much happiness. I, personally, mababaw masyado ang luha ko.. and most of my friends knows that.. Little pain makes me cry easily, my tears normally fell down secretly.. Coz i don't want anyone to notice that I was that weak.. Little happiness makes my tears fall as well. ewan ko ba. I'm just like that.. Kaya din madali lang akong mapaiyak ng kahit na sino sa simpleng tanong na, Em, may gusto kang i-share? hehe

Most of the time I love the rain, for it also helps me to keep the pain inside me when I'm in too much pain.. I can walk in the rain without umbrella and no one would ever notice if I cried..

Thursday 9 May 2013

ELEKSYON



Naisip kong sa taglish ulit ang bago kong isusulat. Para mas madaling maintindihan ng kapwa ko Pilipino.

Simulan ko na..

Eto nanaman tayo sa nalalapit na eleksyon. Sa totoo lang sa Pilipinas madali mong malalaman kung malapit na ang eleksyon. Bakit? Eh kahit sino naman mapapansin ang numero unong dahilan.. "TRAFFIC"! kaliwa't kanan ang mga ginagawang kalsada. ang one way nagiging two way mapagbigyan lang ang nais ipahiwatig ng mga kumakandidatong nakaupo pa sa pwesto. Kung tatanungin ako kung against ako? OO! malaking OO! bakit naman kasi sa haba ng panahon na nakaluklok sa pwesto hindi pa nilubos lubos na ipakita ng mga gagawin nila ng tumatak naman sa utak ng pinamamahalaan nila na marami silang nagawa..

At eto, eleksyon nanaman, nagkalat na ulit ang mga pamaypay na may nakasaad ng mga mithiin ng ating kandidato para sa ating minamahal na bayan. Nagawa mo bang magbigay ng kaunting panahon upang kahit papano'y mapagnilay nilayan ang mga nais nilang magawa? Maraming nagsasabi na hin di na sila boboto! Kesihodang masasayang lang daw ang panahon nila dahil wala din namang magiging pagbabago. Pero isipin mo! Pano nga ba magkakaron ng pagbabago? Dahil ba bumoto ka? dahil ba nagbigay ka ng effort na bumoto? dahil ba nagpakahirap ka na mangampanya para sa kandidato mo? NOW, gusto kong malaman.. pano ka nga ba pumili ng kandidatong karapat dapat? dahil ba may nagawa na ang pamilya ng pinanggalingan ng taong iboboto mo? dahil ba kilala sya? dahil ba gwapo o maganda sya? karamihan kasi sa nakikita ko nowadays, iboboto nila yung mga sikat na, o kaya naman ay yung mga dati ng nasa pwesto dahil hindi naman nila kilala ang ibang kandidato. Was it a wow for you?

Anyways, nais ko lang magpaalala, napakadali na para sa atin ngaun ang mag search kapag may gusto tayong alamin. Tama ba? Marami din satin ang alam kong hindi naman ganun ka busy dahil nakakapag facebook at twitter pa nga ang karamihan. Eto yun, ang internet madali na nating na-a-access ngaun, gusto mong makilala ang kandidato? mag search ka. konting panahon lang ang ibibigay mo pero siguradong makakatulong sa bayan. I have nothing against sa gusto nyong piliin, ang akin lang, ang pagbabago sinisimulan sa sarili yan.

Wag sanang masayang ang boto natin ngaun, kung may gagawin tayong effort at hindi man maging maganda ang ibibigay ng mapipili natin, atleast ikaw sa sarili mo alam mong hindi ka nagkulang! Malaking bagay na yun.

Sabi nga nila... VOTE WISELY! no joke at all, maging matalino sana tayo sa araw ng eleksyon. :)

Friday 19 April 2013

THINK OF IT


For those girls whose in a relationship and married.. For boys na din! :) 

Isn't it true na somehow nakakamiss yung times na nililigawan ka palang ng partner mo.. 
The way they give their efforts.. 
Yung pagiging sweet.. 
Those punch lines na napapatawa ka naman talaga dahil sa ka kornihan.. 
Those pambobola na kahit na alam mong hindi totoo eh kinikilig at napapangiti ka.. 
flowers, chocolates, stuff toys.. 
Iba ang dating pag nakatanggap ka nyan.. Parang ang ganda ganda mo dba? 
Those times na mag ask sya if free ka ba later? On sunday? On valentines? On christmas? 
Nakakatuwa na may mag effort to ask for your freetime.. 
(Never pa nga pala ko nai-date ng valentines..haha) 

Looking back for those times na halos minu-minuto kang kumustahin like kumusta ang araw mo? Kumusta ang tulog mo? Kumain ka na ba? 
You will feel na nag ccare talaga.. 

Those moments na ur in a serious scenario wherein he will make you feel how he deeply loves you.. Then, will stare at you face.. Tapos may hiya moments ka pa pero deep inside kinikilig ka na.. (That's as if you like that man too) 

Those moments na biglang mapapahawak sayo ng hindi sinasadya just to keep you safe.. Like pag tumatawid.. 

Yung mga times na natatawa sya sa pagiging clumsy mo.. 

Aminin mo.. Totoong nakakamiss un.. :) dba? 

Lalo na kung ... Hindi na un ginagawa sayo ngaun... 

Bakit nga ba ganun ang mga boys? Matapos paghirapan na mapasagot ang babae.. Hindi magawang i-maintain ang attitude kung pano nya paulit ulit na mapapa inlove ang partner nya? 

Pero siguro may ibang ganun pa rin.. 
Depende na rin siguro kung pano i-handle ang relationship and kung gano katotoo ang pagmamahal sayo ng partner mo... :) 

~eM <3

BOYS THAT HAPPENED TO BE BOYS

Kaming mga babae na naman ang nakita. Lalake, agrabyado. Lalake, kinakawawa. Lalake, hindi maintindihan. Hmmp, parang masyado yatang nagisa ang mga kabaro ko. 



Tungkol sa pagiging patas sa ngalan ng pag-ibig, kami naman ang laging talo a, hindi kayo. Kami ang laging lugi, kami ang laging nawawalan at iniiwan. 



Kapag ngumiti ka na ng konti, nag-ayos ng konti pagkakamalan ka nang malandi. Hindi pangseryosohang relasyon. Marinig lang nila na malakas kang magsalita, palengkera ka na. T.O. kagad sa kanila iyon. Mahilig silang tumingin sa mga babaeng sexy manamit, kulang nalang makita na kaluluwa. Pero kapag babaeng seryosohin at gustong ligawan dapat disente, dapat mala-anghel ang mukha, dapat mukhang inosente. Tapos kami pa raw ang mahilig mamili? Parang baliktad yata? 



Ok, ayan nanliligaw na si lalake. Dapat pakipot ka para suyuin ka, para habulin ka pa lalo. Kapag hindi ka naman nagpakipot “easy to get” naman ang tingin sa iyo. Hindi ka na seseryosohin. Sino bang may sabing magpaalila kayo, di naman namin hawak ang buhay niyo. Natural lang na magtiis kayo, may gusto kayo sa amin eh. Kapag nakuha niyo na iyon wala na lahat ng mga paghihirap niyo, babaliktad na ang sitwasyon kami naman ang mamromroblema. Para lang kayong may gustong bilhin na bagay. Upang mabili ito kailangan munang magsakripisyo, magtipid, magtiis. Pag nabili na at napagsawaan wala na, balewala na. Diyan ka na sa tabi-tabi. Tawagan nalang kita pag trip ko o kaya’y pag may gusto akong ipagawa sa iyo. 



Ano pa ba? E di sinagot mo na diba. Utang naloob pa natin yun. Dahil naghirap daw sila sa panliligaw dapat masuklian natin iyon ng higit pa. Sa umpisa kailangan malambing ka, maayos at laging magsisilbi sa kanya. Ayaw daw nilang humawak ng relasyon, pero kapag ikaw naman ang nagmando, aba, masasakal naman. Sasabihin pa sa iyo “demanding” ka. Meron ka pang maririnig na “I think we need space” at kung anu-ano pang ek-ek. Sino rin may sabing di dapat kami magpakabait, maging devoted at faithful? Kapag kami ang sumaway niyang mga iyan, iba na ang tingin sa amin. Malandi na kami, haliparot, pakawala, makikay at kung anu-ano pang mga bansag ang itatawag sa amin. Kapag kayo gumawa noon, ok lang. Lalake kayo eh, macho kayo pag ginawa niyo iyon. Kaya kami. Walang magawa. Magpapakaburo at magpapakamadre nalang. Kapag nagloko na kayo ano pa bang magagawa namin? Eh di iiyak nalang. Wala namang ibang magagawa eh. 



Tungkol naman sa tinatawag niyong pagdedemand namin. Hindi kami nagdedemand! Karapatan lang namin iyon. Karapatan namin na lambingin niyo kami, icheck at ipakita sa amin na mahal niyo kami. 



Hindi rin ibig sabihin na mas sincere kayo sa amin. Seryoso rin naman kami ah. At ang maturity wala yan sa edad. Mas maaga nga kaming magmature sa inyo. Ang isang 19 year old na lalake eh, isip 15 pa yun. It follows iyan sa lahat ng age group. Mas mataas pa nga kung minsan ang pagbawas ng level of maturity. Kayo na ang mag-math. Pati yung pag-iyak namin pinupuntirya niyo. Kesyo drama daw. Diba kapag umiyak ka nagbuhos ka ng emosyon diyan. Ano tingin niyo sa amin mga artista?! 



Alam niyo iyon? Yun bang kulang nalang ay lumuha ka na ng dugo, pero hindi ka pa rin papansinin. Sasabihan ka pang tigilan na ang pagdradrama. Hindi nila kami maintindihan kapag nagseselos kami. Bakit naman kami magseselos kung wala kaming nakikita? Mas iba kaming magmahal. Mas masarap. 



Kapag natapos na ang lambingan, eh di siyempre iwanan blues na. Kami pa raw ang nagsawa, kami pa raw ang nagtritrip lang. Sino ba ang lumalayas kapag may nakita nang bago, sino ba ang mayabang, sino ba ang nagmamalaki? Kami ba? Kami ang walang choice. Kasi ang babae pag sinabing “break na tayo” lambingin lang iyan ng konti balikan blues na iyan. 



Kapag ang lalake ang umayaw, pucha, bahala ka diyan. Kahit mag-tambling ka pa sa harap niya. Wa-epek. Umiyak ka ng bato. Wa-epek. Tsk, tsk, tsk. Tapos sila pa raw ang kawawa. 



Post-break up, mahal pa ng babae si lalaki. Sasamantalahin ni lalaki. Magpapagawa ng kung anu-ano. Naaalala ka lang kapag may kailangan sa iyo. Kapag pumangit ka after the break up, magpapasalamat sila na iniwan ka nila. Kapag gumanda ka naman, ipagkakalat nila sa buong sangkatauhan na naging girlfriend ka niya. Sala sa init sala sa lamig talaga. 



Ano ba namang buhay to? Ang hirap ding maging babae ano. Kala nila laging sila nalang. Lagi rin kaming naiiwan sa ere. In-love din kami. 



Ang mga lalake talaga, oo. 


Oooops! Bato bato sa langit po! Hahaha

BAG





Nakita ko ang sarili ko na naghahanap ng isang bagay sa aking bag.. 
Napaisip ako.. Ano nga ba ang tagalog ng bag? Sa tagal ng pag iisip ko.. 
napansin ko na halos lahat ng importanteng gamit ko nasa loob ng bag ko.. 

Naisip ko din.. Ano kayang laman ng bag ng iba? Ganun din kaya katulad ng saken? Ahm. Siguro? Ewan? 
Pero sa pag iisip kong un.. Ang bag natin para din palang personal assistant natin.. Pag need mo na pera.. Nasa loob ng bag.. need ng ballpen, payong, papel, cellphone, ID, at kung ano ano pa.. 
Parang ingat yaman lang din dba? 
Pero minsan.. Parang ambigat bigat nya.. D natin namamalayan.. Sobra na pala sa kaya nyang dalahin ang inilalagay natin sa kanya.. 
Ayun.. Dahil dun.. Nasisira.. Rumurupok.. 
Naisip ko..parang buhay lang din pala ang bag.. Kung minsan.. Pag nasobrahan tayo sa mga dinadala nating problema.. Parang bibigay na tayo.. 
Pero hanggat may umaalalay sayo.. Alam mong hindi ka basta ididispatsa o hindi ka basta hahayaang masira.. 
Tulad ng sa buhay natin.. Hangga't alam nating anjan SIYA para satin.. Patuloy tayong lumalaban sa buhay..
Kelangan ko pala tlgang pag ingatan ang bag ko.. :) 
At sa dami ng mga kuru-kuro at pananaw na naisip ko.. D pa rin sumagi sa isip ko kung ano ang tagalog ng bag.. 
Ah! Ewan! Itatanong ko nalang kay google! :D

DYARYO


Ang pahayagandiyaryo, o peryodiko ay isang uri ng paglilimbag na naglalaman ng balita, impormasyon at patalastas, kadalasang na imprenta sa mababang halaga. Ito ay maaaring pangkalahatan o may espesyal na interes, at kadalasan itong inilalathala ng araw-araw o lingguhan.

Naalala ko pa nung mga high school days ko hanggang sa mga panahon na naghahanap ako ng trabaho. Updated palagi ang buhay ko. Hilig kong magbasa noon, at ang pinaka nahiligan ko talaga ay magbasa ng Manila Bulletin. Pero hindi ako araw-araw nakakabili. Kasi naman iipon muna ko mula sa baon ko noon. Kung itatanong nyo kung magkano ang baon ko? nag start ako sa 1.50php. 

Naisip ko lang bakit nga ba nawala ang interes ko sa pagbabasa ng dyaryo? Kung tutuusin marami namang magagandang bagay ang matututunan moo rito. Isa pa palagi kang magkakaron ng pang unawa sa kung ano man ang nangyayari sa bansa. Nahiligan ko nga pati pagbasa ng mga recipe, pero kahit kelan hindi ako natutong magluto.. haha! Ewan ko ba, sadyang hindi ko ata linya.

Teka, marahil ay nagtataka kayo kung bakit naisipan kong sumulat patungkol sa dyaryo ano? haha! Isang matandang lalaki ang nakapukaw ng pansin minsan isang umaga. Bakit? Natuwa ako na sa harap ng kanyang bahay ay nakaupo sya, may baso sa kanyang harapan (nagkakape siguro?) at tahimik na nagbabasa ng kanyang dyaryo. Tinitigan ko, naisip ko mabuti pa si lolo matyaga syang magbasa ng dyaryo. Nagulat ako ng bigla nyang nirolyo ang dyaryo sabay. pak! may hinampas, lamok siguro un? Natawa ko.. bakit ulit? bigla kong naisip na oo nga pala marami din palang gamit ang dyaryo. Nandiyan ang ilagay sa likod na may pawis, ipampunas sa bintanang marumi, ipandakot sa *** ng bata. (alam nyo na? hehe) mayroon din na pinagkakakitaan ito. Narealize ko lang, halos lahat ng bagay sa mundo sadyang may pakinabang, kailangan lang na maisip natin lahat ng positive. 

Maaring ang ibang bagay ay may negative din pero sa puntong ito, ang nais ko lamng sabihin ay: Lahat ng bagay ay mahalaga at may pakinabang, kaya matuto sana tayong magpahalaga. Kasi kung minsan nagagawa natin silang baliwalain. :)

Monday 19 December 2011

KAPE KAPE KAPE



hindi naman ako addict.. lalong hindi ako nagkakape..
naisip ko lang bigla.. namimiss ko ang lasa ng kape..
gumuguhit ang lasa.. mainit sa pakiramdam..
sakto sa malamig na simoy ng panahon..
tamang timpla.. tamang tamis..
tamang pakla tama sa panlasa...
bakit nga ba nakaka adik ang kape?
naitanong mo na ba sa sarili mo kung bakit?
sabi nila kapag uminom daw ng kape siguradong mawawala ang antok mo..
kaya nga applicable to sa mga call center agents na sa gabi ang oras ng trabaho..
minsan din akong naadik sa kape.. usok palang malinamnam na..
nabubuhay ang dugong sa akin ay nananalaytay..
ooohh.. kape kape.. umaabot din ako sa 10 baso kada isang gabi nung mga panahong ako'y adik na adik sa kape.. totoo.. masarap nga at malinamnam..
nagigising ang natutulog kong utak.. nabubuhay ang natutulog kong isipan..
kape kape kape.. masarap sa panlasa ng karamihan..
masarap kahit anong oras pa man..
sa kusina'y malabong mawala yan..
totoo bang nakaka high blood ang kape? nakakasama nga ba ito sa kalusugan?
siguro? dahil daw sa caffeine..
ang totoo hindi ko rin alam ang kasagutan.. ang mahalaga..
binuhay ng kapeng ito ang pupungas pungas kong diwa..

ikaw? natutulog ba ang iyong kaisipan?
bakit di mo subukan? bigyan mo lang ng pagkakataon baka sakaling mabuhayan..
kape na!