My Blog List

Monday, 19 December 2011

LAMOK



isang gabi.. sa harap ng computer..
habang nag-iisip ng aking isusulat..
isang lamok ang dumapo sa aking braso..
napatigil akong bigla.. napahinto..
nakuha nya ang munting oras ko..
tinitigan ko sya.. at pinagmasdang mabuti..
payat sya..at mukhang gutom na gutom na..
bubugawain ko ba? hahampasin?
ngunit sa pagtitig ko..aking napag-isip isip.
lamok na nais kong kitilin ay may pakiramdam din..
mukhang gutom na gutom pa sya.. at pinilit makahanap ng madadapuan..
magkaron lamng ng kaunting laman kanyang mumunting tiyan..
kung iisipin mo nga naman.. bakit ba sila nabuhay pa?
gayong napakaraming tao na higit na mas matalino kaysa kanila
ang laging nakahanda ang palad, pang spray, pandikit, chalk at kung ano ano pa
.. tapusin lamang ang kanilang pamamalagi sa magandang mundo..
may puso din kaya sila? marahil ay oo.. kasi kung wala bakit pa nila iisipin ang mabuhay?
oo nga naman.. madalas naglalakbay..palipad lipad sa himpapawid na hindi tiyak kung mayroong bukas..
siguro kung naging lamok ako.. pagsisisihan kong nabuhay pa ko..
naitanong mo ba kung bakit?
simple lang naman.. bakit ko gugustuhing mabuhay? gayong napakaraming malupit na kamay ang handang kitilin ang aking buhay? kung iiwasan ko naman ang tao? saan ako maglalagi? maruming tubig kanal?
burak? basura? ilalim ng tulay? poso negro? bulok na patay na.... d ko nalang itutuloy at baka masuka ka pa..
pero kahit lamok siya.. natuwa din ako sa pagkakatitig sa kanya..
ang buhay nya.. nakasalalay sa liksi ng kanyang pagkilos.. bilis ng paglipad.. matalas na mga mata..
pagtapos ng bawat pagsubok.. malayang nakakalipad.. 

yun ang tangi kong nagustuhan.. naisip ko.. may natutunan din ako.. minsan kailangan mo lang maging tahimik at mabilis mag-isip para maipanalo ang anumang pagsubok sa buhay..

No comments:

Post a Comment